(Pilipino Star Ngayon)
Updated March 24, 2011 12:00 AM
Nagpunta si Christian Bautista sa Europe kamakailan kasama sina Erik Santos at Pooh para sa kanilang Champions Of The Heart concert tour.
Na-enjoy ni Christian ang kanilang biyahe dahil nakapag-ikot daw siya sa anim na magkakaibang bansa. “Iba talaga ang Europe, ang ganda ng Europe. Sa London, three times na ako doon, Vienna it’s my first time mas nagkaroon ako ng time mag-explore. First time in Paris, I saw the Eiffel tower. ‘Yung Eiffel tower, nothing beats that. ‘Yung mga London sites din pinuntahan namin ulit, London bridge is falling down. ‘Yung Vienna, the opera house nakita namin, ‘yung Milan, pag-landing mo sa Milan talagang lahat ng tao very fashionable.
“Sa Oslo, Norway maraming snow, nag-enjoy kami kasi iba-iba ang character ng bawat bansa. Just to see the sites, just to be there okay na sa akin,” kuwento ni Christian.
Ayon pa sa romantic balladeer ay gusto raw niyang bumalik sa Paris kapag mayroon na siyang special someone. “Gusto kong bumalik sa Paris and hopefully may girlfriend na ako kapag bumalik ako doon. Milan also and London. Gusto ko pang i-explore ang Italy, go back to Rome also. Gusto kong pumunta sa Greece, Spain, Germany, maraming history,” pagtatapos pa ni Christian.
Reports from James C. Cantos
Source:
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=669143&publicationSubCategoryId=96
-------------------------
You may also check out another article:
Mla Bulletin | Christian Bautista hopes to return to Europe with a girlfriend
http://www.mb.com.ph/articles/311146/toni-gonzaga-brushes-intrigues-christian-bautista-hopes-return-europe-with-a-girlfri
posted March 24, 2011, 4:15am
No comments:
Post a Comment