About Universal Records

My photo
Quezon City, Philippines
Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!

April 6, 2011

Pep.ph | Kris Aquino says "never again" to love and marriage; not on speaking terms again with James Yap

by Roldan Castro
Tuesday, April 5, 2011, 05:25 PM



Nilinaw ni Kris Aquino sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hanggang friendship lang sila ni Diether Ocampo kahit madalas silang makitang magkasama.

Ito ang sinabi niya sa launching ng kanyang fifth full-length studio album titled My Heart's Journey under Universal Records kaninang tanghali, April 5.

"Wala, hindi kami talaga nagdi-date. As in magkaibigan lang talaga kami," giit ni Kris.

Nagkasama sina Kris at Diether sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na Dalaw.

"Never Again." Marami naman ang hindi makapaniwala kay Kris sa sinasabi niyang "never again" sa pag-ibig at pag-aasawa dahil sa mga nae-experience niya sa hearing ng annulment ng kasal nila ng kanyang mister na si James Yap.

"Kaya ko nasasabi na never again dahil hawak mo naman, e, kung sasabihin mo sa sarili mo to get another relationship or not, di ba? At this point in my life, sinasabi ko talaga sa sarili ko na hindi talaga ako handa, ayaw ko.

"I don't think na merong tao na darating sa buhay ko now na mapapabago ang pag-iisip ko. Yun lang talaga at wala akong bine-blame na anybody except myself," pahayag pa niya.

Hindi ba parang pinapahirapan naman niya ang sarili niya?

"Hindi, happy naman ako," pakli ni Kris. "Hindi naman complicated ang buhay. Relax. So, okay na yun, kasi parang ayaw ko nang guluhin pa. Maayos na.

"Hindi naman pain. Walang regrets kasi nabigyan naman ako ng James Aquino Yap—that's Bimby. Walang ganoon, pero ayaw ko na talaga."

Hindi rin daw sila friends ni James ngayon.

"Di ba, nag-hearing ako? 'Wa na naman kami talk ulit!" tawa ni Kris.

"Pero as long na okay sila ni Bimby, labas na ako sa equation na 'yan. At 'wag n'yo na akong tanungin ng tungkol sa kanya, kasi susumbatan na naman niya ako kung bakit nagko-comment ako sa buhay niya, na siya naman ay hindi nagko-comment sa buhay ko."

Not Inviting Ipe. Nilinaw rin ni Kris at sinabing huwag nang intrigahin ang hindi niya pag-imbita kay Phillip Salvador sa graduation ng anak nilang si Joshua. Magmula noong four years old pa raw si Josh ay wala nang communication ang mag-ama.

Malaki raw kasi ang pagkakaiba ni Phillip kay James Yap, na very active kay Bimby.

"Matagal na walang participation si Phillip Salvador sa buhay ni Josh. Family ko lang talaga ang kinilala niyang pamilya. Kaya sobrang ingat ako sa mga pinagsasabi ko kay James dahil ayaw kong mag-away kami. Love siya ni Bimby, wala akong magagawa.

"In all fairness, ilang beses ding sinabi ni Phillip na tumayo akong mag-isa bilang magulang ni Josh in all aspects. Hindi niya sinisikreto sa inyong lahat na financially, emotionally, physically, psychology, ako lang.

"So, siguro naiintindihan naman niya na kung day-to-day wala naman kayong communication, araw yun ng pamilya ko, na araw-araw ay kasama ni Josh," paliwanag ni Kris.

The Price Is Right. Itinanggi naman ni Kris ang balitang nagtampo raw siya sa ABS-CBN na ginawang Sabado na lang ang game show niyang The Price Is Right mula sa araw-araw nitong timeslot.

"No, in fairness sa akin, mature na talaga ako. Hindi, hindi talaga, honest to God. Inintindi ko. I respect ABS-CBN management. Ipinakita rin sa akin thru research why," sabi niya.

Source:
http://www.pep.ph/news/28955/Kris-Aquino-says--never-again--to-love-and-marriage;-not-on-speaking-terms-again-with-James-Yap

No comments: