About Universal Records

My photo
Quezon City, Philippines
Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!

January 31, 2011

PEP.ph | Regine Velasquez (Part I): In her new TV series, she portrays a woman pretending to be a gay man

by Rommel L. Gonzales
Sunday, January 30, 2011
01:38 AM



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portl) ang Asia's Songbird na si Miss Regine Velasquez sa taping ng bago niyang show para sa GMA 7, ang I Heart You Pare, sa Boiler Room Bar sa Marikina nitong Huwebes, January 27.

Ang una naming itinanong kay Regine ay kung mahirap ba na for the first time ay gaganap siya bilang isang babaeng nagkukunwaring bakla.

"I thought it's going to be easy, since feeling ko naman bakla ako but apparently, still I'm not," ang natatawa nitong sinabi.

Sino ang peg niya for the role?

"Tinuturuan kasi ako ni Direk, e, so parang siya," sabi ni Regine na ang tinutukoy ay ang director nilang si Direk Andoy Ranay.

Ano ang challenge sa role niya?

"It's very challenging for me coz first of all, I have to create the main character, Tonia, the girl, before I can do Tonette, [who pretends to be gay].

SWITCHING ROLES. "Kasi once in a while, siyempre nawawala siya sa sarili niya, bumabalik yung Tonia. So more or less, nung alam ko na yung Tonya, it was a little bit easier for me to switch.

"But at the beginning it's hard, hindi pa ako masyadong clear dun sa character nung Tonia but siyempre nung nag-meeting-meeting, nagte-taping, pinagdidiskusyunan yung character, so ayun, I got used to it. It's easier now to just switch to the girl character."

Sa Diva dati, pinapangit siya, dito ginawa siyang bakla. Hindi ba siya nag-request sa GMA na bigyan siya ng serious at matinong role?

"Hindi! Yung next ko halimaw na ako! Papunta na dun, e. Gusto nila yung hindi ako matino masyado," pagbibiro ng Songbird.

"Pag mas... character-driven yung role, it's better for me because minsan mas mahirap gumanap nung malapit sa character mo, e. Kasi parang nadadala mo sa bahay.

"Like with Diva, pag wala na yung make-up, I'm back to myself," aniya.

"So it's the same thing here, although once in a while bakla pa rin ako, pero naaano ko naman siya."

WORKING WITH DINGDONG. Matagal na yung huling project nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Dito sa I Heart You Pare, may naging adjustment ba sila?

"Wala! And you know you'll be surprised, I dunno if you've seen the trailer pero ang ganda ng chemistry namin, nakakakilig siya actually. So hopefully, people will see the chemistry and will enjoy the show. It's very funny!"

Describe Dingdong bilang leading man niya ngayon...

"He's ano, sobrang serious siya sa role niya. I mean talagang kinakarir niya."

Nahihiya raw si Dingdong na batukan si Regine sa mga eksena nila?

"Oo! Sabi ko dapat batuk-batukan mo ako kasi siyempre dapat mina-man-handle niya ako dahil ang thinking niya lalaki naman ako pero nahihiya siya," ang natatawang sabi ni Regine...

Continue reading here:

No comments: