FRJImenez, GMANews.TV
01/26/2011 | 10:13 PM
Nagbigay ng pahayag ang presidente ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) na si Ogie Alcasid, tungkol sa pagdagsa ng mga foreign artist na magtanghal sa bansa simula sa susunod na buwan.
Sa nalalapit na “Heart Month," ilang foreign artists ang nakatakdang magtanghal sa Pilipinas na tiyak na makakakompetensiya ng mga local artist sa ticket sales ng kanilang mga concert.
Kaya naman may mungkahi si Kuh Ledesma sa pamunuan ng OPM na isulong na gawing mala-festival month ang Pebrero kung saan tanging mga local artist lang at walang dayuhan na maaaring mag-concert sa bansa.
Sa panayam ni entertainment reporter Aubrey Carampel, nilinaw ni Ogie na mungkahi lamang ni Kuh na limitahan ang pag-concert sa Pilipinas ng mga dayuhan. Kasabay nito ay inamin niya na maraming opinyon ang lumalabas tungkol sa naturang usapin.
“Proposal ‘yan ni Ms Kuh, marami kasing opinyon sa usaping ‘yan. Uulitin ko po, ang stand ng OPM ay hindi po kami against sa mga foriegn singer. In fact wine-welcome po natin lahat ng foreign singers na pumunta ng bansa natin," pahayag ni Ogie sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Kabilang sa mga nakatakdang magtanghal sa Pilipinas sa taong ito ay ang sikat na pop star na si Taylor Swift, Janet Jackson, Trini Lopez, US rock band na Deftones, Fra Lippo Lippi, Yellowcard. Gayundin ang Korean boy band na Super Junior, Korean pop star na si Park Mi Kyung, ang Maroon 5, at si Justin Bieber.
Naunang iniulat na pabor si Ogie na taasan ang sinisingil na buwis sa pagdaraos ng concert sa bansa ng foreign artist, habang bababaan naman ang para sa mga local artist.
Samantala, kinumpirma rin ni Ogie na natanggap na niya ang official appointment mula sa Malacanang para maging bahagi siya ng EDSA People Power Commission.
Hindi pa umano alam ni Ogie ang magiging pangunahing trabaho niya sa komisyon.
“Ano lang ako, convenor lang ako. Its concentrated sa music and entertainment, eh yung rin lang naman ang alam natin. Aalamin ko yung specific ng trabaho…tuhog siya sa pagiging OPM president ko," paliwanag ni Ogie.
Kahit maraming trabaho, sinabi ni Ogie na patuloy nilang sinusubukan ng misis na si Regine Velasquez na makabuo na ng baby.
“Hindi na rin naman kami bata…ang mahalaga diyan e yung health din niya (Regine) ‘di ba," ayon kay Ogie.
Source:
http://www.gmanews.tv/story/211579/ogie-alcasid-clarifies-stand-on-foreign-artists-performing-in-phl
About Universal Records
- Universal Records
- Quezon City, Philippines
- Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!
January 28, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment