William R. Reyes
Wednesday, January 26, 2011
05:07 PM
Natapos nang gawin ni Christian Bautista ang una niyang lead role in a full-length movie titled Jayden's Choir, na ang producer ay dalawang malaking kumpanyang pampelikula—ang Primetime Productions at Nation Pictures—mula sa bansang Indonesia.
Ang kasikatan ni Christian bilang isang singer at recording artist sa naturang bansa, na nasa katimugang Asya, ay humantong sa una niyang pagbibida sa isang malaking pelikula na ayon sa mga ulat—sa Facebook at iba't ibang entertainment websites, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal)—ay umabot sa halagang P225 million ang kabuuang budget.
Nai-post din sa isa pang blogsite ang poster ng pelikula, na ang Indonesian title ay Simfoni Luar Biasa o Jayden's Choir. Sa panimulang ulat ay binanggit ang malaking prospects para sa Indonesian movie "starring our very own Christian Bautista."
The report also said the movie, which is set to premiere on March 17, 2011, in Jakarta, Indonesia, "will also be shown in other Asian countries, like the Philippines" at magkakaroon din ng international release sa iba pang continents.
HOPEFUL. Dahil isang malaking pelikulang pang-international release ang una niyang pinagbibidahan, sobrang inaasam ni Christian ang tagumpay nito.
"Hopefully, maging successful ang showing [ng Jayden's Choir] sa Indonesia and, hopefully, maging successful din dito," sabi ni Christian sa panayam ng PEP.
Kung meron mang unang movie lead-starrer ang co-host ng Star Power ng ABS-CBN, the same cannot be said of Christian's recording stint. Or, at least, at this time of the year.
Hindi pa raw magkakaroon si Christian ng immediate follow-up sa Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan na na-release last year.
"Matagal pa. Baka late this year pa," pagtukoy ng kilalang balladeer sa susunod niyang pagri-record ng bagong album.
"Pero ngayon, nag-iipon na ako ng mga original songs."
ACTING PROSPECTS. "I wanna act more!" masayang banggit ni Christian, matapos daw ma-experience ang pag-arte sa harap ng kamera in a full-length role.
Unang naipakilala si Christian sa pelikula, in second-lead role, sa Mano Po 5 (Gua Ai Di) ng Regal Films, na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Hindi na nasundan ang paglabas na iyon ni Christan sa pelikula dahil nag-concentrate na ang binatang singer sa recording at pagku-concert dito at sa ibang bansa.
In recent years, naging malaking pangalan si Christian sa Indonesia.
What made him decide to do another movie this time?
"Sila [Indonesian producers] ang kumuha sa akin," sagot ni Christian.
Ayon din sa singer-actor, the project was "good and much-awaited."
But given a choice now, Christian said, "Hopefully, magkaroon tayo ng teleserye. Gusto kong magkaroon... I think meron, hindi ko lang alam, kung kailan.
"Gusto ko talagang mag-acting," pag-ulit niya sa ninanais ngayon.
PROFESSIONAL ACTORS. Bilang isang Pinoy na pinakabida at top-billing sa Jayden's Choir, Christian gets to work with well-known Indonesian actors, like Ira Wibowo, Ira Maya Sopha, Gista Putri, and Verdi Solaiman.
Source:
http://www.pep.ph/news/28034/Christian-Bautista-hopes--Jayden's-Choir--would-be-successful-in-Indonesia-and-the-Philippines
About Universal Records
- Universal Records
- Quezon City, Philippines
- Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!
No comments:
Post a Comment