by Nerisa Almo
Friday, February 18, 2011 | 06:39 PM
Umaga pa lang ay nasa EDSA na si Ogie Alcasid para makilahok sa ginawang EDSA People Power Monument cleanup drive na ginawa kanina, Pebrero 18.
Ayon sa singer-songwriter, ang paglilinis na ginawa sa People Power Monument at EDSA Shrine ay isa lamang sa mga preparasyon ginagawa ng EDSA People Power Commission para sa 25th anniversary ng makasaysayang tagpo noong Pebrero 25, 1986.
Sa nasabing petsa naganap ang pagbaba sa puwesto ni dating Pangulong Ferdinand Marcos pagkatapos ng mahigit na 20 taon sa MalacaƱang, at ang pagkakaluklok kay Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng Presidente ng Pilipinas.
Si Mrs. Aquino ang ina ni President Noynoy Aquino.
Ito ay naganap dahil sa pagkakaisa ng maraming Pilipino upang hilingin ang pagbaba sa puwesto ni Marcos sa pamamagitan ng People Power.
Ang cleanup drive kanina ay dinaluhan din ng mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines, JC ManileƱas, Department of Public Works and Highways, Armed Forces of the Philippines, at ilang kinatawan ng Unilever, na siyang manufacturer Cif Cream Cleaner na major sponsor ng cleanup drive.
Kwento pa ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal): "Nakakatuwa dahil ang dami rin namang nag-volunteer. Starting today, they'll be cleaning the whole monument, pati doon sa EDSA Shrine. Pati 'yong ating landscaping medyo babaguhin."
Pagkatapos nito, inanyayahan ni Ogie ang publiko na dumalo sa gagawing selebrasyon sa Pebrero 25, Biyernes, sa Edsa People Power Monument.
"Sa February 25, sa unang pagkakataon, magkakasama ang ABS-CBN talents, GMA-7 talents, at TV5 talents. Dito po, magkakaroon po tayo ng performances from 7 p.m. hanggang 10 ng gabi. Pagkatapos po no'n mayroong special DJ-ing si apl.de.ap. Nakakatuwa, magiging masaya."
Artist/Public Servant. Bilang pinakabagong commissioner, aminado si Ogie na pinag-aaralan pa lamang niya ang kanyang katungkulan. Gayunman, sinabi niya na buong puso niyang tinatanggap ang trabahong ito.
"Well, I'm the youngest in the commission, I learned from all of them. The people in the commission really have their hearts in the right place. I mean, they're willing to work for the commission and for the people for nothing.
"We haven't talked about any means of compensation. We haven't even talked about that. On our own, we said yes to the call of the president [Noynoy Aquino], and yes to the call of the people who put up the commission."
Sa halip na alalahanin ang kanyang role bilang commissioner, ikinatutuwa pa niya ito dahil para sa kanya, "It's probably divine."
Dagdag pa ni Ogie, "Twenty-five years ago, I was also here on EDSA. So, I take it as an honor for me to be able to serve. I think anyone would be honored to be given that task to serve."
"Ang Galing ng Pinoy." Bukod sa mga programang inihahanda para sa 25th anniversary ng Edsa People Power, nagkaroon din ng pagkakataon si Ogie na makabuo ng kanta para sa okasyon. Ito ay pinamagatan niyang Ang Galing ng Pinoy, at ipinarinig niya ang ilang bahagi nito sa maiksing programa kanina.
Ayon kay Ogie, na-inspire lamang siya sa mga naging achievements ng Pinoy nitong mga nakaraang araw kaya nakagawa siya ng kanta.
Dagdag pa niya, "I don't really know what it stands for. I just got inspired with so many things happening. Not only sa buhay ng ordinaryong Pilipino, pati na rin sa maraming larangan tulad ng sports. The Azkals, I was quite inspired by that. And all the small victories that we have [achieved].
"Of course, there are still some things na nagiging setback sa atin, pero gano'n 'yon. You have to take [the good with] the bad. Pero naniniwala ako sa positivism, naniniwala ako sa spirit ng Pilipino, kaya ko siguro naisulat yung 'Ang Galing ng Pinoy.' It's a happy song. It's something celebratory."
Unang maririnig ang kabuuan ng kanta sa EDSA People Power anniversary celebration sa susunod na Biyernes.
Sa araw ding iyon ilu-launch sa mga radio station ang isa pang kantang ginawan ng musika ni Ogie, ang "Narito Ako Pilipino." Ang lyrics nito ay mula sa Philippine Association of National Advertisers (PANA), at kinanta ng ilang local singers.
Read the full article here:
http://www.pep.ph/news/28352/Ogie-Alcasid-busy-preparing-for-EDSA-People-Power-25th-anniversary-celebration
About Universal Records
- Universal Records
- Quezon City, Philippines
- Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!
February 22, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment