Sunday, November 28, 2010, 11:20 AM
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho kagabi sa GMA 7, isang espesyal na palabas ang inihandog sa publiko ng nabanggit na programa kung saan nag-feature ito ng apat na Filipino icons na kinabibilangan nina Mang Dolphy, Manny Pacquiao, Nora Daza at si Miss Regine Velasquez.
Sa segment ng Asia's Songbird, isa sa itinanong ni Ms. Soho kay Regine ay kung ano na ang pinakamataas na note o nota sa pagkanta ang naabot na niya.
"Hindi ko alam! I don't want to know!"
Tinanong rin ni Jessica kung hindi pa ba nakakabasag ng mga chandelier o mga baso ang napakataas na boses ni Regine?
"Baso, nakabasag na ako. Oo. When I was younger, oo. I think kasi parang may frequency ka na nahi-hit then pumutok [na lang yung baso]," ang natatawang kuwento ng Songbird.
"'Through The Fire' yata yung kinakanta ko."
Matagal na raw gustong mainterbyu ni Jessica si Regine pero pakiwari raw niya ay mailap ang Songbird at hindi basta-basta nagpapainterbyu kung walang isyu o kung walang ipo-promote na programa, kanta o pelikula.
"There's a very public Regine and I know there's a very private Regine. Ang hirap mo kayang interbyuhin, tama ba?" ang tanong ni Ms. Soho sa singer, actress at TV host.
"Ah, yes, I am very private, merong mga bagay na gusto ko sana na sa akin na lang.
"But since this is my work... parang expected na yan sa 'yo, e. You're in this business so you cannot share everything. The very little privacy I have, talagang I'll try to keep it na lang."
Paano ba maging isang Regine Velasquez?
"Hindi ko alam," muling tumatawang sagot ni Regine.
"Hanggang ngayon actually pagka iniisip ko, hindi ko pa rin mapagtanto-tanto yung lahat ng blessings na natanggap ko. Parang lahat ng hiningi ko kay God, parang binigay lahat sa akin yung mga pangarap ko..."
Read the full article here:
No comments:
Post a Comment