About Universal Records

My photo
Quezon City, Philippines
Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!

October 7, 2009

PEP.ph | Jed Madela remains positive despite being affected by typhoon Ondoy

by: Melba Llanera Tuesday, October 6, 2009 | 02:03 PM

Katulad ng marami nating mga kababayan, naging biktima rin ng bagyong Ondoy ang singer na si Jed Madela. Nakatira sa isang subdivision sa Cainta, Rizal, back to scratch na masasabi ang singer dahil halos lahat ng kagamitan niya ay nasira dahil umabot hanggang dibdib ang tubig sa loob ng kanyang bahay.

Pero sa kabila ng hindi magandang nangyari, thankful pa rin si Jed dahil bukod sa walang masamang nangyari sa kanya at maging sa mga kasama niya sa bahay, ngayon niya mas higit na napatunayan kung sino ang mga tunay niyang mga kaibigan.

Lahad ni Jed sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Sobra akong saya kasi ang daming concerned na nag-text sa akin, mga friends ko from the business. Alam nilang taga-Cainta ako. Nandiyan sila Iya [Villania], sila Sarah [Geronimo], Sam [Milby], Yeng [Constantino], Rachelle [Ann Go], and others. They were asking kung kumusta na ako.

"People have been offering help and until now. Nag-o-offer sila ng tulong to clean the house, nagbibigay ng kailangan ko. It's overwhelming, sobra akong thankful. Dito ko nakita yung mga totoo kong mga kaibigan. Sila yung mga through thick and thin, nandiyan para sa akin.

"It's a lesson for everybody, a wake-up call that anything can happen. Just be prepared and siguro, yun din ang nakatulong sa akin na I'm not too much attached with material things. They're there to help us in our lives, make our lives easier, but not for it to control us na hindi na tayo nakakapag-function pag wala na ang mga yun.

"Now, okay na ako. But you know, there are times na sumasama ang loob mo na parang nakaka-depress na nakikita mo yung nasira, hindi lang bahay mo kundi bahay ng neighbors ko. But unti-unti, naghi-heal naman."

BLESSING IN DISGUISE. Mabuti na lamang daw at wala sa bahay si Jed nang mangyari ang flash flood sa Rizal, Pasig, Marikina, at iba pang mga lugar, na kumitil sa buhay ng marami sa mga kababayan natin. Dito niya napatunayang lahat talaga ng mga bagay ay may rason.

"Nasa Eat Bulaga! ako nun, that was last week," sabi ni Jed. "Buti na lang kinol time ako nang sobrang maaga. Umalis ako ng bahay, medyo may tubig na. Pero ang inisip ko na lang, baka bahang-tubig lang ito. Nagreklamo pa ako sa handler ko kung bakit ang aga ng call time ko. May nagtanong na taga-Eat Bulaga! sa akin, bakit daw ang aga ng call time ko. Ang sabi ko, yun ang kinol time sa akin. There was reason pala for everything.

"After a few hours, tumawag ang katulong ko sa bahay, 'Manong, yung tubig nasa garahe na. Manong, yung tubig nasa loob na ng bahay. Hanggang tuhod na,' hanggang hindi ko na siya ma-contact kasi wala nang kuryente. Ang pinaka-ultimate, hanggang dibdib sa loob ng bahay ko.

"Ako, I was stranded in Broadway Centrum from nine in the morning till 11 p.m. That night, nag-crash ako sa bahay ng kaibigan ko, dun ako natulog. Then the next day, tumuloy ako sa tita ko sa Las Piñas."

Sa ngayon ay nakabalik na sa bahay niya sa Cainta si Jed.

"Bumalik na ako dun kagabi [October 3], after a week. Okey na yung bahay. Pero siyempre, I have to start from scratch uli. Yung mga appliances, yung ref, yung oven, yung TV, nabasa lahat yun. Yung puting-puting sofa ko, nagkulay chocolate! Pati yung first na kotse ko, yung Toyota Altis, nalubog din sa baha.

"But you know, ang iniisip ko na lang, mas masuwerte ako compared to other pepole who lost lives, family members. So ako, instead of feeling depressed because nawalan ako ng mga material na bagay, inisip ko na kaya kong mabawi yun, maibabalik yun. And I'm sure mas marami pang ibabalik ang Diyos sa akin. I'm just thankful na walang masamang nangyari sa akin o sa mga kasama ko sa bahay," saad ni Jed.

CONCERT WITH RACHELLE ANN. Marami ang nakapansin na napapadalas ang guesting ni Jed sa Eat Bulaga!. Marami tuloy ang nagtatanong kung hindi kaya may balak nang lumipat sa GMA-7 ang singer, na regular performer sa ASAP '09 ng ABS-CBN.

"Ako naman kasi pag nagge-guest ako sa kabilang channel, may permission sa ABS," paglilinaw ni Jed. "Kasi dito naman talaga ako. It just happened na may concert kami ni Rachellle, yung True Champions on October 24 in SM Skydome. We're trying to expand our scope on promotion and it so happened that Eat Bulaga! invited us. Malaki ang utang na loob ko sa ABS. Dito ako nagsimula, nakilala, so wala akong balak na umalis o lumipat."

Here's the direct link to the PEP.ph article:
http://www.pep.ph/news/23436/Jed-Madela-remains-positive-despite-being-affected-by-typhoon-Ondoy

No comments: