About Universal Records

My photo
Quezon City, Philippines
Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!

October 14, 2009

PEP.ph | Christian Bautista admits that being busy is just an excuse for having no lovelife

by: Rose Garcia
Wednesday, October 14, 2009 | 02:49 PM

Kahapon, October 13 sana ang alis ng singer na si Christian Bautista sa U.S. para sa Unity Tour concert nila ni Kuh Ledesma. Pero last night, nag-text si Christian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa raw dumarating ang visa niya since na-delay siya sa pagkuha nito. Most likely, baka raw ngayong araw na ito, October 14, pa lang siya makaalis.

Timing nga raw ang concept ng concert nila ni Kuh sa U.S., which is to bring unity sa Filipinos abroad. Pero dahil sa nangyaring kalamidad dala ng mga bagyong Ondoy at Pepeng, para na rin daw sa mga nasalanta ng bagyo ang concert nila.

"It's a unity tour concert with Kuh Ledesma," banggit ni Christian sa PEP. "Ang talagang main purpose namin noong una is to unite the Filipinos, to help each other. Pero dahil sa nangyaring calamity sa atin, we would also be there to get relief and funding for the typhoon victims. That's what we're gonna do there."

GOLD RECORD IN LESS THAN TWO WEEKS. Bago naman umalis, masaya si Christian dahil ang kaka-release lang niyang album from Universal Records, Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan, turned Gold less than two weeks after its release.

Ibinigay na nga kay Christian ang Gold Record award niya noong Linggo, October 11, sa ASAP '09. "It's really amazing! After less than two weeks of release, naging Gold na agad yung album. And I was just informed today na sa Astrovision, number one na yung album. Sa Music One, number one din daw, at sa Odyssey, number four. So, very good, very good talaga. Hopefully, kapag dumiretso pa ang ganitong sales, maging Platinum agad," masayang kuwento ni Christian nang makausap namin siya sa telepono.

Mukhang lahat ng ginagawa ngayon ni Christian ay related sa kung paano siya makakatulong sa mga biktima ng dalawang bagyong sumalanta sa Pilipinas. With regards to his new album under Universal Records, part of his royalty will go to World Vision.

"Yes, part of the royalty will go to the World Vision victims. Siguro, sa mga hindi nakakaalam, ang World Vision kasi, they support families. Twenty thousand families from World Vision were affected, kaya naisip ko na yung part of my royalty for the album will be donated to them," sabi ng singer.

"KAYA NATIN 'TO." Bago rin umalis papuntang U.S., isa si Christian sa nag-record ng kantang "Kaya Natin 'To, kung saan, nag-unite ang halos majority ng OPM artists—Kapamilya man o Kapuso—in recording one song. Ginawa ang recording ng kantang nilikha ni Ogie Alcasid sa studio ni Jay-R sa mismong bahay nito.
"The song is for the concert for the victims of bagyong Ondoy and Pepeng na rin. It's a concert that will feature different artists from different networks and labels.

"Noong Lunes ng gabi, nag-record kami ng kanta sa bahay ni Jay-R, pero for free lang yun lahat. Kahapon pa lang, ang dami na naming recording artists, iba't ibang networks. Sila Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jaya, Kyla, Geneva Cruz, Jolina Magdangal, Eric Santos... Marami na kaming nag-record, pero ang alam ko, marami pa rin ang hahabol. At yung mga nasa ibang bansa, like Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, magpapadala rin sila ng recording nila.

"Yung culminating event will be a big concert at Mall of Asia. Ang maganda rito, all the artists are waiving their talent fees. Kami-kami mismo yung nagpaalam sa mga network namin na gusto naming gawin yung recording na ito at yung concert for the victims of typhoon. Kumbaga, it's really time for us to unite," lahad ni Christian.

Gaganapin ang naturang concert sa December 5. In a way, although napakarami talagang napinsala ng dalawang bagyong nagdaan, masasabi naman niyang dahil din sa pangyayaring ito, nagkaisa ang lahat, lalo na ang artists ng ABS-CBN at GMA-7.

"Definitely! Sometimes hard lessons are learned from hard times. Sometimes, life is so comfortable. People become complacent. So far, those were the three things I'm part of. Hopefully, it will bring hope again," asam ni Christian.

BUSY CHRISTIAN. Sa November ay mas lalong magiging busy si Christian dahil pagdating niya ng October 28, magkakaroon naman siya ng concert with American singer-composer Jim Brickman sa Eastwood City. First time lang daw niyang mami-meet si Jim sa mismong concert nito.

"Actually, I have recorded one song for his album. Hindi ko lang sure kung kailan exactly ang labas nito. It's one original song from him na medyo rock, na medyo inspirational din.

"I haven't met him pa. Pero in a way, yung songs din kasi niya are ballads kaya kahit paano, naging influence rin sa music ko. Mahilig siyang mag-collaborate sa mga Disney movies. One of my favorites, hindi siya masyadong sikat, pero the title of the song is 'Beautiful' from Cinderella."

After that, lilipad naman siya sa Indonesia for a concert, kung saan ay makaka-duet niya ang isang Indonesian singer ng kantang "Please Be Careful with My Heart" and another one pa from Malaysia...

Read the full article here:
http://www.pep.ph/news/23522/Christian-Bautista-admits-that-being-busy-is-just-an-excuse-for-having--no-lovelife

No comments: