Saturday, June 19, 2010 | 03:37 PM
...ALL FOR OPM. May participation si Ogie sa magaganap na presidential inauguration ni president-elect Noynoy Aquino sa Quirino Grandstand sa June 30. Aawitin ni Ogie ang komposisyong pinagtulungan nila nina Ryan Cayabyab at Noel Cabangon.
"It's a song about unity and facing a new tomorrow," diin ni Ogie. "Ang mensahe ng song ay tapos na ang iba't ibang kulay ng Pinoy. Tapos na ang mga kulay dilaw, orange, berde at kung anu-ano pang naging kulay noong nakaraang eleksyon. It's time that we all focus on being a Filipino at magtulungan tayong lahat."
Galing na rin kay Ogie na hindi raw niya inambisyon na magkaroon ng anumang puwesto sa gobyerno. Kung sakaling alukin siya, hindi raw niya ito tatanggapin.
"Siguro ay tulong at suporta para sa OPM na lang ang hihilingin ko sa ating presidente. Mas gusto ko na marami ang makikinabang kesa sa iisang tao lamang.
"I will concentrate more on the things and the work that I know best which is being a performer and an artist in the entertainment industry. Hindi natin kailangan ang anumang government position dahil wala tayong alam diyan.
"Mas gugustuhin ko na matulungan ng ating presidente ang mga grupo ng mga artist sa ating bansa. It's time kasi na maipagmalaki natin ang talento natin sa buong mundo. And malaking boost kung ang suporta ay galing mismo sa ating gobyerno," pagtatapos ni Ogie Alcasid.
Read the full article here:
http://www.pep.ph/news/25929/Ogie-Alcasid:--Tulong-para-sa-OPM-ang-hihilingin-ko-sa-ating-presidente.-
No comments:
Post a Comment