About Universal Records

My photo
Quezon City, Philippines
Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!

February 2, 2011

PEP.ph | Regine Velasquez-Alcasid on being married to Ogie: "Ang saya-saya kasi parang mas in love pa ako!"

by Erwin Santiago
Tuesday, February 1, 2011
08:30 AM



Regine Velasquez-Alcasid na ang ginagamit na opisyal na screen name ng Asia's Songbird ngayon.

Ikinasal si Regine sa singer-songwriter-comedian na si Ogie Alcasid noong December 22, 2010 sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Regine, sarili niyang desisyon ang pagdadala ng apelyido ni Ogie sa kanyang pangalan.

"Ako naman ang nagsabi nun, e. Una sa lahat, siyempre proud ako. I want to carry his name.

"Hindi ko naman tinanggal yung Velasquez—I'm Regine Velasquez-Alcasid!" pagmamalaki ng Asia's Songbird sa presscon ng kanyang bagong romantic-comedy series sa GMA-7, ang I ♥You Pare.

Ginanap ang presscon sa Boiler Room sa Riverbanks, Marikina City, kagabi, January 31.

Unang ginamit ng Asia's Songbird ang Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang pagbabalik sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas two weeks ago.

Maging dito sa I ♥You Pare ay ganoon na rin ang pagpapakilala sa kanya.

"Actually, hindi niya alam na sa soap din ganyan," banggit ni Regine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

NO ADJUSTMENT NEEDED. Bagamat mahigit isang buwan pa lamang kasal sina Regine at Ogie, ayon sa singer-actress ay wala na silang naging adjustment. Ito ay dahil matagal na silang nagsasama bago pa sila ikasal.

Aniya, "Kasi as soon as we got engaged, just a few months, we lived together na, e. But we were already engaged...

"Kasi, we were really planning to get married. He really wanted to marry me. Kaya lang, nung time na 'yon, we were still waiting for something. So, finally dumating na 'yon, so we got married."

Ang tinutukoy ni Regine ay ang annulment ng kasal ni Ogie sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren dito sa Pilipinas.

Patuloy ng Asia's Songbird, "Ako, happy ako na we decided to live together first. Kasi, parang yun yung adjustment. Lahat ng kailangan naming malaman sa isa't isa, nalaman namin....

"Actually mga three years 'yon, mga gano'n. After no'n, ang saya-saya lang. Parang honeymoon stage kami forever."

Wala nang gulatan?

"Wala na," sagot ni Regine. "Feeling ko lang, parang mas... Ang saya-saya kasi parang mas in love pa ako! Nakakatawa nga kami kasi parang walang masyadong nabago. Para kaming mag-boyfriend-girlfriend pa rin, pero mas malalim na do'n."

Mas gumuwapo si Ogie sa paningin niya?

"Forever naman siyang guwapo sa akin!" tawa ni Regine.

Read the full article here:
http://www.pep.ph/news/28109/Regine-Velasquez-Alcasid-on-being-married-to-Ogie:--Ang-saya-saya-kasi-parang-mas-in-love-pa-ako!-

No comments: