by Mark Angelo Ching
Friday, January 7, 2011, 06:35 PM
Sumang-ayon si Ogie Alcasid sa pahayag ng kapwa singer niyang si Kuh Ledesma na higpitan ang regulasyon para sa mga dayuhang mang-aawit na nagko-concert sa Pilipinas.
Sa isang panayam para sa ABS-CBN News, sinabi ng singer-composer na kailangang mas mataas na buwis ang ipataw sa foreign artists na dumadayo sa Pilipinas para magtanghal.
"We must push for higher taxes on foreign shows and lowering of taxation sa local concerts," saad ni Ogie, presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).
Ang OPM ang "leading and most respected organization of Filipino professional singers in the country," ayon sa website nito.
Nauna nang sinabi ni Kuh na dapat pag-aralan ng mga mambabatas kung paano mapoprotektahan ang kapakanan ng mga lokal na mang-aawit.
Ayon pa kay Kuh, nagko-concert na ang foreign artists sa Valentine's season ng Pilipinas, isang panahon kung saan maraming local singers ang nagdaraos ng sariling mga concert.
Sa Pebrero 12 at 13 magaganap ang concert ni Kuh sa PICC. Makakasama niya rito ang Hitmakers na sina Rico J. Puno, Marco Sison, Nonoy Zuñiga, at Rey Valera.
Sa Pebrero 12 naman magaganap ang concert nina Ogie Alcasid at Pops Fernandez sa Crowne Plaza. Magiging guest dito si Regine Velasquez na bagong kasal kay Ogie.
Nag-aalala ang local artists dahil makakalaban nila sa atensyon ng concert-goers ang mga concert ng foreign artists sa parehong panahon.
Kasama rito ang concert ni Janet Jackson sa Pebrero 4; Stephen Bishop, Dan Hill at Yvonne Elliman sa Pebrero 11; Deftones sa Pebrero 12; Per Sorensen ng Fra Lippo Lippi sa Pebrero 13; Taylor Swift sa Pebrero 19; at ang Yellowcard sa Pebrero 20.
Source:
http://www.pep.ph/news/27824/Ogie-Alcasid-wants-higher-tax-rates-for-concerts-by-foreign-artists
About Universal Records
- Universal Records
- Quezon City, Philippines
- Universal Records is the NUMBER ONE independent record label in the Philippines. Bringing you quality music for the past 30 years, we are home to artists like: Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jed Madela, Christian Bautista, Jay R, Billy Crawford, Kris Aquino, Edu Manzano, Marian Rivera, Mark Herras, Nina, Ronnie Liang, Gail Blanco, Sam Concepcion. Our band roster includes: Parokya Ni Edgar, Kamikazee, Sponge Cola, Imago, Silent Sanctuary, Kenyo, Paraluman. We are equally committed to bring you exciting international releases covering various genres like pop, jazz, new age, classical, alternative, indie pop, rock, electronica, dance, r&b, and hip-hop. Name it, we definitely have it!
January 11, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
cliquez ici maintenant Balenciaga Dolabuy vous pouvez essayer ceci jetez un œil sur ce site Web article complet Dolabuy Chrome-Hearts
n9v40n6v91 c7p52b2b75 v5l78e0v16 o0g96n2f44 k0g47s9x69 s2m56w0r61
Post a Comment