by Rommel Gonzales
Saturday, March 5, 2011, 10:02 PM
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa R&B Prince na si Jay-R, tinanong namin siya kung may plano na silang magpakasal ng kanyang girlfriend na si Krista Kleiner.
"Wala pa, hindi pa, si Kyla muna ang ikakasal!" natatawang reaksiyon ni Jay-R referring to his singing partner, R&B Princess Kyla, na malapit nang ikasal sa PBA player na si Rich Alvarez.
Dagdag niya, "Bago pa lang kami, e. We've only been together for one year and nine months.
"Pero, you know, parang feeling ko po, we have to get to know each other more. We want to enjoy each other's company muna po bago kami mag-isip ng getting married."
Takaw-Tingin. Si Krista ang current titleholder ng Bb. Pilipinas-International. Mahirap bang magka-girlfriend ng beauty queen?
"Mahirap, mahirap!" tawa ni Jay-R. "Ang mga lalaki siyempre, lahat nakatingin sa kanya. Tapos yung mga tingin pa, parang very ano, e. E, siyempre, wala ka namang magagawa, nakatingin, e."
Hindi siya nagseselos?
"Nagseselos minsan," pag-amin niya.
Biro namin, si Jay-R naman ay tinitingnan ng girls and gays
Tumawa ang singer, sabay sabing, "Pero iba yung tingin sa kanya [Krista], di ba, yung mga lalaki."
Read the full article here:
http://www.pep.ph/news/28566/Jay-R-to-launch-girlfriend-Krista-Kleiner-and-other-new-artists-under-his-own-record-label

No comments:
Post a Comment